Inilibing ko siya kanina sa mababaw na hukay. Nagmamadali kasi ako kaya mababaw lng ang nagawa kong hukay, tsaka ma-ulan, ayaw kong magkasipon. Habang nilalagay ko siya sa huli nyang hantungan, at nagpipyesta ang mga langgam sa mura nyang katawan, naiisip ko ang mga sandali na kami'y magkasama. Maikli nga lang yun, kaya nga sandali, kasi palagi akong gabi-gabi na umuuwi. Pwera pa non, palagi syang inaaway ng isa ko pang miming, si Powder. Kaya di sya masyadong makalapit sa akin ng madalas. Eh, mas paborito ko kasi si Powder dahilan sa mas mahaba ang pinagsamahan namin at kulay puti sya at yellow color ang mata sa right at blue naman sa left. Marami siyang alam na tricks tulad ng pagkain ng isda na hindi mo alam, pag tulay sa sampayan, magsalita ng "meow" sa tamang tono at pronunciation, matulog ng madalas, at higit sa lahat lumalapit siya saiyo kaagad pag tinawag mo siyang miming 20x.
Yan sana ang mga ituturo ko kay Citrus. Sayang at hindi na niya madadala yun sa langit ng mga pusa. Alam ko na sa mabuti siyang kalagayan. Nakakakain ng madalas. Pero sana buo na ang ulo niya doon, kasi nakakahiya naman na maki jamming siya na yupi ang ulo, labas ang mata at alimantak. Ihambog na lang niya sa kanyang magiging friends ang bagong lace na bigay ko.
Farewell, Citrus, farewell. Tell Papa Jesus that I, Powder, and "uncles" boardmates love Him so much.
2 comments:
my deepest condolences, mil...
Bae sana padi... Masasalidahan man sana an...
Post a Comment